-- Advertisements --

Tinatayang aabot sa 68.43 milyong Pilipino ang boboto ngayong Lunes upang pumili ng bagong liderato sa national at local election, ayon ‘yan sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa tala umabot sa 4.3 milyong Pilipino ang unang beses na boboto sa national elections ngayong taon.

Pinaalalahanan ng Comelec ang mga botante na buuin na ang listahan ng mga kandidatong kanilang iboboto.

Para sa national posistion, maaaring pumili ng hanggang 12 senador at isang party-list habang sa local posistion, kabilang sa mga pagpipiliang iboboto ay ang kongreso, gobernador, bise-gobernador, mga miyembro ng provincial board, mayor, vice-mayor, at mga konsehal (depende sa lungsod o bayan).

Bago ang halalan, dapat matanggap ng mga botante ang Voter’s Information Sheet (VIS) na naglalaman ng mahahalagang detalye gaya ng presinto, voting center, at sample ballot. Maari ring gamitin ang Comelec Precinct Finder online upang hanapin ang eksaktong lugar ng botohan.

Oras ng botohan

  • Regular na botante: 7:00 a.m. hanggang 7:00 p.m.
  • Senior citizens, PWDs, buntis, at kanilang assistant: maaaring bumoto simula 5:00 a.m.

Walong hakbang sa pagboto

  • Magpakilala sa electoral board.
  • I-check ang pangalan sa listahan at ang daliri kung may tinta.
  • Lumagda sa EDCVL.
  • Tanggapin ang balota at marker.
  • Bumoto sa pamamagitan ng pag-shade ng bilog sa tabi ng pangalan ng kandidato.
  • Ipasok ang balota sa vote-counting machine at hintayin ang resibo.
  • Suriin ang resibo at ihulog ito sa ballot box na karaniwang kulay dilaw.
  • Papatakan ng indelible ink ang daliri bago umalis.