-- Advertisements --

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippnes (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr. na pigilan ang pwersa ng mga Chinese Coast Guard na makalapit sa pinakamalaking barko ng Pilipinas na BRP Sierra Madre.

Ito ay matapos na mamataan ang presensiya ng ilang barko ng People’s Republic of China sa bahagi ng Ayungin Shoal na parte pa rin ng territorial waters ng Pilipinas.

Sa ilang mga ibinahaging videos ng Sandatahang Lakas, makikitang pinigilan ng dalawang rubber boats mula sa ilipinas ang tangkang paglapit ng isang maliit na sasakyang pandagata ng China patungo sa direksyon ng BRP Sierra Madre.

Ayon kay Brawner, ang posiboeng pagsampa ng mga tauhan ng CCG sa BRP Sierra Madre ay maihahalintulad din sa pagtapak ng mga ito sa teritoryo ng bansa.

Kasunod nito ay binigyang diin naman ni Brawner na sa ilalim ng Rules of Engagement (ROE) ay balak nilang ipatupad ang mga karampatang pwersa upang mapigilan ang China na makalapit sa barko ng Pilipinas.

Aniya, kung makikita din kasi sa mga larawan at videos, mayroon nang mga nakalagay na weaponry ang mga sasakyang pandagat ng China maski ang mga rubber boats nito.

Kaya naman nanindigan ang heneral na nakahanda ang Sandatahang Lakas sa kahit anumang posibleng mangyari at tiniyak na hindi sila aatras sa kahit anumang posibilidad lalo na sa loob ng territorial waters na sakop ng exclusive economic zone ng bansa.

Samantala, nagiwan naman ng maaanghang na mensahe si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa panig ng China na patuloy na nagbabahagi ng mga propaganda at hindi makabuluhang impormasyon sa social media platforms hinggil sa nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea.

Aniya, wala namang naniniwala sa kanilang mga pahayag at lagi’t lagi naman din aniyang may nasasabi ang China sa kanilang mga ginagawang hakbang at mga multi-lateral activities kahit pa ito ay hindi naman paghhanda para kontrahin ang kanilang presesnsiya sa WPS.

Hindi na rin pa para hulaan pa ng kalihim ang dahilan sa likod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga barko ng China sa territorial waters ng bansa at para sa kalihim, ang trabaho niya ay pabulaan at linawin ang mga pahayag ng naturang bansa hinggil sa kanilang gingawang mga aktibidad sa WPS.

Sa kabila naman ng mga dagdag na bilang ng mga presesnsiya ng mga barko ng China sa loob ng naturang katubigan ay hindi pa nakikita ng AFP ang panganagilangan na magdagdag pa ng pwersa at tauhan sa WPS ngunit nilinaw din na ito ay kasalukuyan nang pinagaaralan ng kanilang tropa.

Pagtitiyak pa ng Sandatahang Lakas, patuloy na nagbabantay at nakahanda ang kanilang tropa sa WPS sa kahit anumang evantuality at siniguro na patuloy silang magbbahagi ng katotohanan at lalaban ang mga maling pahayag ng China hinggil sa mga tunay na pangyayari sa naturang katubigan.