csafpmuslim2

Nakipag-pulong si AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa mga NCR-based Muslim leaders na kinabibilangan ng mga muftis, imams at madrasah officials na ginanap sa Kampo Aguinaldo.

Layon ng nasabing dayalogo ay para paigtingin pa ang koordinasyon ng AFP sa mga Muslim religious leaders para labanan ang terorismo sa bansa.

Pinangunahan ni NCR Grand Mufti Dr. Al-Sheick Abdeljabar Macarimbor ng Filipino-Arab Alliance and united Muslim Ummah Federation for Socio-Economic and Peace Development.

Naniniwala kasi si chief of staff na mahalaga na magkaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng AFP at ng nasabing grupo.

Una nang hiniling ni Gapay na makapulong ang mga Muslim leaders sa Metro Manila.

Binigyang-diin ni AFP chief sa nasabing pulong na ang posisyon ng AFP ay protektahan ang Madrasah o Madaris mula sa terrorist exploitation.

Ang Madaris ay isang educational institution na nagtuturo ng Islamic studies at Arabic literacy.

Siniguro ni Gapay na magpapatuloy ang kanilang engagement sa grupo para mapalakas pa ang kanilang partnership sa isat-isa.

Magugunitang unang “nag-reach out” si Gen. Gapay sa mga Muslim leaders matapos niyang linawin na hindi niya ibig sabihin na nagtuturo ng terrorismo ang mga Madrasah schools sa kanyang pahayag na babantayan ng AFP ang mga ito.

csafpmuslim1

Sa pagpupulong sa Camp Aguinaldo nagpasalamat si Gen. Gapay sa pakikiisa ng Muslim community sa adhikain ng AFP na mapigilan ang mga lawless elements na naghahasik ng terrorismo.

Kabilang pa sa mga nakipagpulong kay Gen. Gapay sina: Grand Imam Alem Maguid A. Tahir; Aleem Ahmad Kudarat; Aleem Abubacar Talib Manamping; Datu Umbria P. Mama; Aleem Hanip Sarip; Aleem Aliasgar Abolais; Mohammad Alioden Manalinding; Aleem Nashroden Alamada; Alihasan Taha; Aleem Khalid H. Matling; Aleem Abdulhamid Mustapha; Hismam H. Sedic; Abdul Malik Calauto; Almanzor I. Hajishaq; Abobacar T. Manampen; Sherwina Ali; Secretary to the NCR Grand Mufti Alex Y. Lebria; Bai Rohaniza Sumndad-Usman