Nagpakitang gilas ang apat na newly-acquired Amphibious Assault Vehicles (AAVs) ng Philippine Marines sa ginanap na ship-to-shore exercises sa Subic Bay, Zambales,kahapon September 21.
Ito ay bahagi ng AFP joint service exercise na tinawag na DAGIT PA 2019.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) highlight sa isinagawang amphibious exercises ay ang mga bagong AAVs na layon pang palakasin ang joint operations sa pagitan ng mga sundalong Army, Navy, Air Force at Phil Marines.
Sa nasabing exercises, isang team ng Marine infantry kasama ang ilang mga reservist ang nag launched ng AAVs mula sa landing deck ng BRP Davao del Sur (LD-602) patungo sa shore.
Misyon ng mga sundalo na i-retake ang isla mula sa mananakop.
Habang ang Philippine Air Force rotary-wing aircraft S-76A ay nagsagawa naman ng casualty evacuation mula shore patungo sa barko.
Ayon kay Amphibious Landing Force head, Lt. Col. Henry Espinosa ang amphibious exercise ay isang opurtunidad para mapalakas pa ang proficiency ng mga sundalo sa sea to land operation.
“The amphibious exercise is an opportunity to enhance our proficiency in
Ang
Una ng naideliver ang first batch nuong buwan ng Mayo habang ang second batch ay nito lamang buwan ng Agosto.
Nasa 1,500 na mga sundalo ang kalahok sa AFP joint service exercises na DAGIT PA 2019.
Samantala, ayon naman kay Philippine Marines Spokesperson Capt. Felix Serapio, sa ngayon wala pang deployment ang walong AAVs.
Aniya, ang pamunuan ng Philippine Navy ang siyang magdedesisyon kung saan ang magiging deployment nito.