Afghan President Ashraf Ghani
Afghan President Ashraf Ghani/ IG post

Tiyak na ang muling pag-upo ni Afghan President Ashraf Ghani.

Ito ay matapos ang malaking kalamangan niya sa preliminary election kung saan mayroon itong 5.64% kumpara sa katunggali nitong si Dr. Abdullah Abdullah na mayroong 39.52% na nakuhang boto.

Tiniyak naman ni Abdullah na kaniyang ipoprotesta ang resulta ng botohan.

Noong nakaraang halalan limang taon na ang nakakalipas, naging mainit ang labanan ng dalawa na nagresulta sa magkabilaang kilos protesta.