Nakatikim muli ng panalo ang Philippines national football team sa 2019 AFF Women’s Championship matapos nilang ilampaso ang Timor Leste 7-0 nitong Sabado.

Kapwa sumipa ng dalawang goals sina Camille Rodriguez at Hali Moriah Long, samantalang may tig-iisa naman sina Quinley Quesada, Sara Castaneda at Charisa Lemoran.

Una nang nagapi ng mga Pinay kickers ang Malaysia sa kanilang opening match 3-0.

Ang nasabing torneyo ay bahagi ng preparasyon ng koponan para sa 30th Southeast Asian Games na idaraos sa bansa sa Nobyembre.