Bianca Lapus
-- Advertisements --

Nasa pagamutan ngayon ang actress na si Bianca Lapus matapos dapuan ng COVID-19 at pneumonia.

Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Marnie Herrera Lapus sa kaniyang social media.

Sinabi nito na nong nakaraang taon ay labas-pasok ang kaniyang magulang at kapatid na si Kyla sa pagamutan dahil sa magkakaibang mga sakit.

Ito naman ang unang pagkakataon na ang isa sa kanila ay dinapuan ng nasabing virus.

Dahil dito ay nanawagan si Marnie sa paggaling ng kaniyang kapatid na si Bianca.

-- Advertisement --

Sa Facebook naman ni Bianca nagpasalamat ito dahil nagnegatibo sa COVID-19 ang kaniyang pamilya matapos na sila ay sumailalim sa testing.

Patuloy din aniya ang kaniyang panawagan sa fans ng pagdarasal para sa kaniyang paggaling.