-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay inaasahang tataas pa lalo sa kabila ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire dapat paghandaan ang posibilidad na lalo pang tataas ang bilang ng mga COVID-19 cases sa mga susunod na araw.

Ngayong nagsimula na ang MECQ sa NCR, posibleng makapagtala ng 66,000 cases pagdating sa August 31 at 269,000 active cases sa September 30.

Ngunit, nilinaw naman ni Vergerie na hindi pa sigurado ang nasabing projections dahil depende pa ito kung magawang maayos ang pagtugon sa pandemya.