-- Advertisements --

Sa kabila ng mga nabuong tensyon sa pagitan ng Kamara at Senado dahil sa impeachment proceedings ni VP Sara Duterte. umaasa parin si House Deputy Speaker at Iloilo Representative Janet Garin na muli babalik sa dati ang magandang relasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Umaasa ang mambabatas na hindi mauuwi sa personal na atake, patutsadahan, o panlalait ang mga debate at talakayanng mga mambabatas.

Naniniwala si Garin na irerespeto ng mga ito ang bawat isa para sa ikabubuti ng mga Pilipino na kanilang pinagsisilbihan.

Aniya, ilang senador kasi aniya ang nagbitaw ng hindi magagandang pahayag sa Kamara na lalong nagdulot ng impresyong magulo ang House of Representatives.

Ito ay may kinalaman pa rin sa nakalipas na usapin sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na pinag-usapan rin ng buong Pilipinas.

Binigyang-diin ni Garin na hindi napapansin angMalawak na trabaho at dedikasyon ng mga kongresista, pati na rin ang pagsisikap ni Speaker of the House sa pagresolba ng mga problemang isinusulong ng mga miyembro ng Kamara.

Nanawagan din siya para sa pagbabalik ng mataas na pamantayan ng etika, diplomasya, at propesyonalismo sa lehislatura, dahil may mga pagkakataong nalabag ang mga ito.