-- Advertisements --

Hinamon ni House Senior Deputy Speaker Jay-Jay Suarez si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na isapubliko ang listahan nito dahil hindi patas na magbibigay ng pahayag na may mga kongresista na sangkot sa mga proyekto na maanomalya.

Punto ni Suarez , hindi maaaring lumantad na lang sa publiko upang sirain ang institusyon nang walang factual na basehan kaya dapat ay pangalanan ni Magalong ang mga indibidwal.

Naniniwala naman si Suarez na kailangang magkaroon ng third party na mag-iimbestiga sa sinasabing kaugnayan ng mga kongresista sa halip na ang Kamara ang mangunguna.

Ibinunyag naman ni House Senior Deputy Speaker Jay-Jay Suarez na mayroon siyang sariling listahan ng mga kongresista na kontratista rin sa infrastructure projects sa bansa.

Ayon kay Suarez, ilalabas niya ang kanyang listahan sa tamang panahon.

Samantala, mariing itinanggi ng kongresista na ang Kamara ang nasa likod ng umano’y demolition job kay Senate President Chiz Escudero matapos maungkat ang pagiging malapit nito sa isa sa top contractors sa flood control projects.