Nag-anunsyo ang ilang mga abioigado ng planong paghahain ng ‘Verified Complaint for impeachment’ laban kay Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia at anim pang komisyuner.
Batay sa reklamong ihahain nina Atty. Eldrige Marvin Aceron at Sikini Labastilla, inakusahan nila ang mga respondents ng paglabag sa Republic Act No. 8436 o ang Automated Election System Law, betrayal of public trust, at iba pa kaugnay sa dalawang magkasunod naganap na halalan.
Inilatag ng naturang mga abogado itong apat na batayan sa paghahain ng impeachment kabilang ang paggamit umano ng ‘software’ sa higit 100-libo automated counting machines sa nakaraan taon eleksyon nang hindi sumasailalim sa mandatory Source Code Review.
Pagtataksil sa tiwala ng publiko naman dahil sa paggamit ng hindi awtorisadong inermediary server nagdulot para maantala maidala ang datos sa mga itinalagang ‘transparency servers’.
Pangatlong akusasyon dahil sa umano’y pagtatago ng impormasyon noon 2022 elections sa ginamit na isang private IP address para sa mahigit 20-libong vote counting machine modems.
Panghuli nama’y ukol sa sinasabing pili o selective enforcement ng ‘campaign finance laws’ na pumabor umano sa ilang mga senador na kaalyado ng administrasyon gaya nina Sen. Chiz Escudero at Sen. Rodante Marcoleta.
Depensa naman ni Chairme George Garcia na paulit-ulit na niyang sinagot ang patungkol sa mga isyu at iginiit may kredibilidad ang mga eleksyon nabanggit sa ‘impeachment complaint’ ihahain sa kamara.














