-- Advertisements --

Ibinabala ng grupo ng mga truckers sa bansa ang pagbawas nila ng biyahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations vice president Rina Papa, na humingi ang mga truckers ng 30 percent na pagtaas ng delivery rates noon pang unang linggo ng Marso.

Dagdag pa nito na kahit aprubahan nito ng kanilang kliyente ay nalulugi pa rin sila ng nasa 20 percent ng kanilang kita.

Mapipilitan silang magbawas ng mga biyahe lalo na at ang kanilang kinikita ay napupunta lahat sa krudo.

Wala din silang balak na magsagawa ng transport holiday sa mga truckers dahil ang trucking lamang aniya ang pinayagan na magpatuloy noong panahon ng pandemya.

Sakaling magbawas sila ng biyahe ay maapektuhan ang maraming negosyo lalo na para sa mga maliliit at malalaking negosyante.