-- Advertisements --
Ipinagmamalaki ni Local Government Secretary Jonvic Remulla na mas epektibo pa rin ang kampanya sa iligal na droga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kumpara sa nagdaang administrasyon.
Sinabi ng kalihim na marami ang nasawi sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte subalit hindi pa rin huminto ang paglaganap ng iligal na droga.
Habang ngayong panahon ni Pangulong Marcos ay sumusunod sila batas at walang anumang extrajudicial killings.
Nagkakaroon din ng malawakang pag-aresto sa mga nasa likod ng iligal na droga dahil na rin sa pagtutulungan ng kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
















