ILOILO CITY – All set na ang Lungsod ng Iloilo sa pagdating ni National Action Plan on COVID-19 (Coronavirus Disease-2019) Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., ngayong araw.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Jerry TreƱas, sinabi nito na pangunahing layunin sa pagpunta ng kalihim sa lungsod ay ang pagbisita sa proposed COVID-19 laboratory at dorm sa San Pedro, Molo, Iloilo City.

Sa pamamagitan nito ayon sa alkalde ay mas mapapabilis ang kanyang hiling na agad na mabigyan ng accreditation ang nasabing laboratory.

Inaasahan din aniya na magbibigay si Sec. Galvez ng rapid diagnostic test kits, reverse transcription-polymerase chain reaction test kits, at personal protective equipment.

Dagdag pa ng alkalde, maganda rin itong pagkakataon upang maipaabot sa kalihim ang pangunahing problema sa transportasyon sa Iloilo.

Isa rito ang pag-angkas sa motorsiklo na siyang pangunahing mode of transportation lalo na ng mga nakatira sa malalayong lugar na hindi abot ng pampublikong sasakyan at walang kakayang makabili ng mamahaling kotse.