Pasok na sa quarterfinals ng 2019 PBA Philippine Cup ang Alaska Aces matapos talunin ang NLEX 88-80.

Naging bida sa panalo ng Aces si Sonny Thoss na nagtala ng 21 points.

Kapwa nag-ambag naman ng tig-16 points si Simon Enciso at Carl Bryan Cruz habang mayroong 13 points at anim na rebound si JVee Casio.

Ipinagmalaki naman ni Alaska coach Alex Compton ang matinding depensa nila para tuluyang talunin ang NLEX.

Susunod na makakaharap ng Aces ang Phoenix Pulse para sa twice-to-beat quarterfinals.