-- Advertisements --
image 4

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na umakyat na sa 99.95% ang average accuracy rate sa nagdaang 2022 national and local elections o halos perfect result.

Ito ay alinsunod sa ginawang Random Manual Audit (RMA) hinggil sa mga boto sa national at local level.

Ayon sa poll body, ang average accuracy rate ay mula sa percentage rate sa kada posisyon bilang addends o ang pag-dagdag pagkatapos ay saka hinahati sa anim.

Ang running accuracy rate noong halalan ay ang mga sumusunod:

-President na may 99.98%
-Vice President na may 99.97%
-Senator na may 99.98%
-Party list na may 99.8664%
-House of Representatives na may 99.98%
-Mayor na may 99.97%