Hindi maitago ni PBA star Calvin Abueva ang kaniyang pagkagulat ng ito ay i-trade mula sa Phoenix Super LPG patungong Magnolia.

Una kasi niyang nalaman sa kaibigan niyang nasa Hotshots na ipapalit siya kay Chris Banchero at dalawang draft picks.

Mula ng lumabas ang balita ay nasabik na ito dahil makakasama niya ang dating team mate nito sa San Sebastian na bahagi ng tinaguriang “Pinatubo Trio” na si Ian Sangalang.

Aminado ito na nalungkot siya sa pag-alis sa Phoenix na kaniyang naging koponan mula pa noong 2018.

Tiniyak na ibibigay niya ang kaniyang lahat ng makakaya para sa tagumpay ng kaniyang bagong koponan.

-- Advertisement --