Iiatras nang tuluyan ni Atty. Jude Sabio ang kanyang reklamo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Sa ilalim ng kampanya, libo-libo umanong mga Pinoy ang namatay mula noong 2017.
Ang pag-withdraw ni Sabio sa naturang kaso ay kinumpirma ni Atty. larry Gadon.
Ayon sa kontrobersiyal na abogado, matapos umanong gumawa na ng pormal na liham si Sabio para kay ICC Prosecutor Fatou Bensouda na nagsasaad ng kanyang pag-atras sa inihaing kasong crimes against humanity laban sa pangulo.
Sa kanyang liham, inihayag ni Sabio na kanyang hinihiling na rin sa ICC prosecutor na burahin na ang kanyang mga testimonya o komukinasyon sa record.
Pinababasura na rin niya ang nakabinbing kaso kaugnay sa isyu ng war on drugs laban kay Pangulong Duterte.
Depensa daw ni Sabio, bahagi lamang ng political propaganda ng mga opposition senators at iba pang mga kaanib ng Liberal Party (LP) ang mga gawa-gawang kaso para wasakin ang administrasyon.
Sinabi pa ni Gadon, pinanumpaan ni Sabio ang kanyang affiadvit sa notary public sa Quezon City ngayong araw at nakatakda ng ipadala sa ICC sa The Hague, Netherlands.
Ayon naman kay Atty. Gadon, tinutulungan lamang niya si Sabio at nagbibigay ng moral support sa kaso ng kanyang kapwa abogado.
Kung maalala, si Sabio naging abogado naman ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato na tumestigo laban kay Pangulong Duterte sa usapin ng mga nangyayring patayan at pagkilos ng Davao Death Squad (DDS).