-- Advertisements --
Naniniwala si Sen. Erwin Tulfo na mahihirapang maipasa ang panukalang batas na dahil maraming miyembro ng Kongreso ang may kamag-anak din sa politika.
Ani ng senador na kung malinaw na tinukoy sa Konstitusyon kung aling mga kamag-anak ang hindi puwedeng magkasabay sa posisyon—gaya ng mag-asawa, mag-ama, o magpipinsan—mas madali sanang naipatupad ang pagbabawal.
Paliwanag naman ni Atty. Christian Monsod, isa sa mga framers ng 1987 Constitution, ito ay sinadya ng mga framers upang na ipaubaya sa Kongreso ang pagbibigay ng tiyak na depinisyon sa political dynasty, dahil inaasahan nilang kikilos ang mga mambabatas para ipatupad ang mandato.