Napagkasunduan na sa pagitan ng International Olympic Committee at ni Japan Prime Minister Shinzo Abe na kanselahin ang Tokyo Games ngayong taon.

Sinabi ni Abe na direkta nitong hiniling kay IOC president Thomas Bach na ipagpaliban muna na ng isang taon ang olimpiyada dahil sa banta ng coronavirus pandemic.

Ang naturang hakbang ay magsisilbing malaking pagsubok para sa Tokyo kasunod ng mga papuring natatanggap ng siyudad sa kanilang paraan nang pag-organisa sa Tokyo Olympics.

Isa na rito ang mabilis na pagkakatayo sa mga venues at halos sold-out na tickets.

Hinikayat naman ni coach Jeremy Lazarus ang mga Olympic hopefuls na huwag mabigo dahil sa pagkaka-delay ng Tokyo Games.

Inaasahan naman na matutuloy na ang olimpiyada sa 2021.