-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbunga na rin ang ilang buwang monitoring ng operating units ng Lala Municipal Police Station (MPS) matapos nilang mahuli sa pamamagitan ng drug buybust operation ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Kolambugan, Lanao del Norte.

Kinilala ni Police Major Jonan Bañas, hepe ng Lala MPS ang suspek na si Nathaniel Salvo, DI watchlisted at number 5 sa regional target list on illegal drug personalities.

Kilala bilang ang suspek na dating ABC president ng Kolambugan, Lanao del Norte.

Sinabi ni Major Bañas na nakuha nila sa posisyon ng 51-anyos na high valued target ang 10 pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at P200 marked money.

Wala pang maibigay na estimated market value ang PNP sa mga iligal na droga na nakumpiska sa suspek.