Tiniyak ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante sa publiko lalo na sa mga residente ng Maynila na walang ghost projects at substandard flood control projects sa kaniyang distrito.
Sa isang panayam sinabi ni Abante na walang makikita na anomalya o regularidad ang kaniyang mga constituents sa bawat proyekto sa ilalim ng kaniyang panunungkulan.
Binigyang-diin ng beteranong mambabatas na mayruon siyang minamantineng sistema na oversight upang matiyak ang kalidad ng bawat proyekto at ang pagkumpleto nito.
Ipinunto ni Abante na kapag hindi pa nakumpleto ang proyekto walang inagurasyon ang mangyayari dahil hindi aniya nito pinapayagan.
Pagtiyak nito na sa ilalim ng kaniyang pamumuno bilang kongresista walang mga natuklasang substandard na mga proyekto.
Ayon sa Kongresista ng siya ang kongresista batid niya ang mga infracture priorities ng kaniyang distrito.
Inihayag ni Abante na kaniyang nirebyu ang listahan ng mga kwestiyunableng contractors na isiniwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at hindi kasama dito ang mga kontratista na gumawa ng kanilang mga infrastructure projects.