-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng China ang paglipad ng mga suspected surveillance balloon sa Latin America.
Ayon kay Foreign ministry spokesperson Mao Ning na nawala sa ruta ng nasabing lobo kaya ito ay napadpad sa kalangitan ng Latin America.
Paglilinaw nila na hindi ito nag-iispiya at sa halip at ginagamit lamang ito sa pag-aaral ng kalamidad.
Ang nasabing lobo aniya ay kahalintulad ng unang pinabagsak ng US nitong Linggo pero ito ay kinokontrol ng pribadong sektor.
Magugunitang nasita ng Colombia ang isang lobo sa kanilang kalawakan na kahalintulad ng pinabagsak ng US at ng kanilang sinundan ay ito ay nawala na lamang.
















