-- Advertisements --
Patay ang nasa 30 katao matapos ang ginawang air-strikes ng Russia sa dalawang bus sa Kramatorsk City sa Ukraine.
Mayroon ding tatlong katao ang nasawi sa bayan ng Bilenke na bahagi ng Kramatorsk community.
Sa nasabing insidente ay mayroong 18 mga iba pa ang nasugatan.
Tiniyak ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na gagantihan nila ang mga nasa likod ng pag-aatake.















