Magpapamahagi ang operator ng sikat na amusement ride na Munich Oktoberfest ng libreng cycling shorts sa mga kababaihan.
Ang nasabing hakbang ay matapos na kumalat ang mga video kinuhanan ang mga kababaihan na kita ang kanilang mga panloob na suotin habang lulan ng Teufelsrad.
Ang Teufelsrad o tinawag na Devil’s Wheel ay isang ride kung saan halos titilapon ang mga sasakay habang kitang-kita ang kanilang mga suot na panloob.
Mahigpit kasi na ipinagbabawal sa Germany ang pag-video sa ilalim ng palda kung saan ito ay may kaakibat na dalawang taon na pagkakakulong.
Ayon kay Elisabeth Polaczy ang operator ng Teufelsradna ngayong Oktoberfest ay titiyakin niyang magiging ligtas ang mga kababaihan kaya mamamahagi ito ng libreng cycling shorts.
Maging ang mga waitress ay magsusuot na rin ng mga cycling shorts para hindi na sila mabosohan.
















