-- Advertisements --

Natagpuan ng mga kapulisan sa paliparan ng Germany ang isang drone na may kargang bomba.

Ayon sa mga otoridad nadiskubre ang nasabing drone ng isang empleyado malapit sa Ukrainian cargo plane.

Dahil dito ay pinakalat nila ang isang robot para mahanap pa ang ilang mga drones sa Leipzig/Halle Airport.

Natanggal ng mga robots ang detonator na inilagay sa nasabing drone.

Ang ikalawang hinihinalang drone ay tumama malapit sa isang eroplano subalit naging maliit lamang ang damyos.

Itinuturiing interior ministry office ng Germany na ang insidente ay isang uri ng bagong banta sa kanilang bansa.

Mula ng pagkakadiskubre ng bomba ay inalerto na ng mga otoridad ang lahat ng mga paliparan.