-- Advertisements --
Nagtagumpay si Earnest John “EJ” Obiena matapos masungkit ang gintong medalya sa Halberstadter Hohenflug – 1st International Pole Vault Meeting sa Cathedral Square, Halberstadt, Germany noong Hulyo 31, 2026.
Nalampasan niya ang taas na 5.76 metro sa unang pagtatangka at nanguna sa 10-man field.
Nakamit ni Seifeldin Abdelsalam ng Qatar ang pilak sa 5.66 metro, habang si Cole Walsh ng Estados Unidos ay nakakuha ng bronze sa 5.56 metro.
Ito na ang ikatlong gintong medalya ni Obiena ngayong outdoor season, kasunod ng kanyang panalo sa Austria at Poland.
Ang tagumpay ay muling nagpapatibay sa kanyang reputasyon bilang isa sa pinakamahusay na pole vaulter sa mundo.















