KORONADAL CITY – Nagpapagaling na sa ngayon sa ospital ang siyam na sakay ng isang multicab matapos na mahulog sa isang bangin sa Antipas, North Cotabato.

Base sa impormasyon na ipinaabot sa Bombo Radyo Koronadal ni P/Cpt. Bernard Abarquez, kinilala ang mga nakaligtas na biktima na sina Virgilio Amandoron; Heber Caahao, 59; Mary Luiz Digal, 35; Glenda Dejesica, 39; Flordeliza Pacultan; Aser Guanzon, 48; Catherine Cañete, 46 at Jolly Beth Dayot, pawang mga tubong Brgy. Gambodes, Arakan sa nasabing probinsya.

Napag-alaman na nahulog ang sasakyan sa isang bahin na nasa 12 feet ang lalim.

Minamaneho ito ng kinilalang si Ronald Dayot nagpahayag naman na nawalan ng preno ang nasabing sasakyan.

Sa ngayon, nagpatuloy naman ang imbestigasyon ng otoridad sa nabanggit na insidente.