Nakuha na ng Los Angeles Country Coroner’s Office ang lahat ng bangkay ng 9 na katao na lulan ng helicopter na kasama ng NBA legend na si Kobe Bryant.

Ayon sa National Transportation Safety Board (NTSB) dakong alas-11:48 ng umaga (Pacific time) o akas-3:48 ng madaling araw ng Miyerkules oras sa Pilipinas ng makita ng mga imbestigador ang lahat ng mga bangkay sa crash site.

Nagsasagawa na sila ng body examinations para tuluyang makilala ang mga ito.

Iniipon na rin mga imbestigador ang mga piraso ng Sikorsky S-76 na helicopter na sinakyan ng NBA legend.

Nagtalaga na rin ng mga kapulisan sa lugar para maiwasan ang anumang nakawan mula sa ilang tao na nagtangkang lumapit sa crash site.