MT RIA TANKER
MT Ria Tanker

Pinalaya na ng Iran ang siyam sa labindalawang Indian crew mula sa Panama-flagged tanker.

Ito mismo ang kinumpirma ng foreign ministry ng India sa pagpapakawala ng Iran sa ilang crew ng tanker na kanilang kinumpiska noong Hulyo 14.

Ang tanker na MT Riah ay kinumpiska ng Iran dahil sa alegasyon na nag-smuggle ang mga ito ng pinagbabawal na fuel na sa Strait of Hormuz

Dahil sa pagpapalaya ay mayroon na lamang 21 iba pang Indians ang nasa kustodiya ng Iran na binubuo ng tatlo mula sa MT Ria at 18 naman sa British-flagged Stena Impero na hinuli noong nakaraang linggo.