Reading Time: 2 minutes
IMG 20190902 153113

Naglaan na ng P10 million ang kasalukuyang alkalde ng Balaoan, La Union para sa ikadarakip sa pagkamatay ng kanyang amang si dating Vice Mayor Afred Concepcion at bodyguard na si Michael Ulep.

Sa press conference na ipinatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) sinabi ni Mayor Aleli, ang naturang pabuya ay para sa makakapagturo sa mastermind sa krimen.

Una rito, sinimulan na ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation sa nangyaring pag-ambush sa kanilang mag-ama noong November 14, 2018.

Kabilang sa mga isinampang kaso ng NBI ang double murder at multiple counts ng murder na isinampa ng NBI laban sa dalawang pulis at dalawa pang John Does na itinuturong mga suspek sa krimen.

Kabilang sa mga inireklamo ng NBI sa DoJ sina SPO1 Dario Cahigas na naka-assign ngayon sa Intelligence Division ng La Union Provincial Police Office at SPO2 Arnold Calzado na nakadestino sa PNP Regional Office 1 sa Camp General Florendo sa San Fernando City La Union.

IMG 20190902 153008

Ayon kay Atty. Lito Magno, Regional Director ng NBI sa Region 1, nag-match ang sample ng dugo na nakuha sa bullcap at facemask sa isa sa mga napatay na pulis na kasama ng dalawang pulis na kinasuhan.

Pinalabas umano ng mga inirereklamong pulis na rumisponde lamang sila sa nangyaring ambush sa mag-amang Concepcion pero nadiskubreng kasamahan sila ng mga suspek matapos magtugma sa kanila ang resulta ng DNA examination sa mga blood samples mula sa crime scene.

Naniniwala ang pamilya Concepcion na pulitika ang isa sa posibleng motibo sa pananambang.