-- Advertisements --
image 233

Namataan ang nasa 9 na barko ng China dalawa hanggang tatlong nautical miles ang layo mula sa shoreline ng Pag-asa island sa kasagsagan ng pagbisita ni Senator Jinggoy Estrada kasama si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino sa naturang isla.

Iniulat din ni Lt. Erwen Ferbo, Head ng Joint Task Unit Pag-Asa, namataan din ang presensiya ng iba pang barko ng China at Vietnam sa hiwalay na pagkakataon sa nasabing lugar.

Sa loob aniya ng isang linggo, dalawang beses ng lumapit sa isla ang mga barko ng Vitenam habang 3 hanggang 4 na beses naman ang mga barko ng China.

Bunsod nito, agad na kinokompronta ng AFP ang anumang insidente ng panghihimasok sa loob ng territorial waters ng ating bansa sa pamamagitan ng radio challenge gayundin sa iba pang mga teritoryo na 12 nautical times ang layo mual sa ating karagatan.

Kapag hindi tumutugon ang mga dayuhang barko sa radio challenge ng Pilipinas sa tatlong pagkakataon, kanila itong nirerecord para maisama sa kanilang report na siyang magiging basehan ng panibahong ihahain na diplomatic protest.

Tiniyak naman ng AFP chief sa publiko ng walang kapagurang commitment ng AFP sa pagbabantay sa territorial waters ng bansa patunay nito ang tumataas na bilang ng mga proyekto ng Philippine Air force kabilang na pagtatayo ng 3-kilometer runway sa may Balabac, Palawan.

Nangako naman si Senator Estrada na tumatayong chairman ng Senate Defense Committee ng tulong sa AFP at sa mga residente ng Pag-asa island.

Sinabi ng Senador na ipagpapatuloy ang pagtatayo ng mga paaralan at iba pa na naapektuhan ng pananalasa noon ng bagyong odette noong 2021.

Nangako din ang mambabatas na mangangalap ito ng karagdagang suporta para sa mga militar sa na nasa isla sa pamamagitan ng pagsasagawa ng privilege speech sa Senado sa susunod na linggo.