CEBU– Kinumpirma ni Police Executive Master Sergeant Jerome Delara, ang chief investigator ng Guihulngan PNP na walo ang patay sa panig ng New
People’s Army (NPA) ng nagka-engkwentro ito sa militar pasado alas 12 nga tanghali kahapon sa Sitio Agis, Brgy. Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.
Umabot sa tatlong oras ang pagpapalitan ng bala ng dalang panig at kinilala ang grupo ng NPA na siyang pinakamalaki at pinamalakas na grupo sa Central
Negros Command na Sentro de Grabidad Platoon.
Narekober sa encounter site ang 11 na mga high-powered firearms at ang anim na magazine na puno ng live bullets.
Patuloy pa ngayon na kinikilala ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.
Samantala, ikinalungkot ni Delara ang nangyaring engkwentro na ikinasawi ng walo pero binigyang-diin nito na kailangang masiguro ang kaligtasan ng mamayan.
Nananawagan naman ito sa mga magulang na i-monitor ang mga klase ng organisasyon na sinasalihan ng mga anak para maiwasan ang pagsali nito sa mga lefties.