Vehicular Accident San Fernando Cam Sur
Photo © Bicol Rapido Journal Reports FB Page

(Update) NAGA CITY – Lumobo pa ngayon ang bilang ng mga binawian ng buhay sa nangyaring aksidente sa kalsada sa Brgy. Tagpocol, San Fernando, Camarines Sur.

Sa impormasyong ipinaabot ni Mayor Fermin Mabulo, sinabi nitong nasa 13 katao na ang patay habang 25 ang sugatan mula sa aksidenteng kinasangkutan ng isang truck na nawalan ng preno kahapon habang binabaybay ang kalsada sa pababang bahagi ng lugar.

► Bride-to-be among 13 dead in CamSur truck accident

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP-San Fernando, nabatid na nanggaling sa isang pagtitipon sa Barangay Pinamasagan, San Fernando, Camarines ang mga biktima na sakay ng truck na minamaneho ni Mario Jacobo ng mawalan ng kontrol pagdating sa pababang bahagi ng lugar.

Lima sa mga biktima ang naitalang dead on the spot habang ang iba ay binawian na ng buhay nang itakbo sa ospital.

Sa ngayon, nanawagan naman ang alkalde ng panalangin para sa mga binawian ng buhay at sa mga biktimang nananatili pa sa pagamutan.