Walo pang mga overseas Filipinos ang panibagong kinapitan ng coronavirus.

Ayon sa DFA, meron ding panibagong 10 gumaling na mga kababayan.

Ang mga nahawa sa virus ay nagmula sa Americas at at Asia Pacific.

Sa ngayon, kabuuang 11,186 na ang mga kumpirmadong Pinoy na kinapitan ng virus.

Nananatili naman sa 815 ang death toll na mga Filipinos na nasa ibang bansa.

Habang umaabot na rin sa 7,244 ang mga gumaling.

Sa ngayon merong pang 3,127 ang sumasailalim na mga OFW sa gamutan makaraang mahawa sa COVID-19.