-- Advertisements --

Nasa walong milyong dose daw ng Bharat Biotech Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang darating sa bansa sa katapusan ng buwan ng Mayo.

Ayon kay Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr., ang walong million na doses ay inorder ng Philippine local government units at private sector sa kumpanya sa India.

Kung maalala, nabigyan na ng emergency use authorization (EUA) ang ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang Bharat BioTech COVID-19 vaccine.

Kung maalala, base sa FDA evaluation, ang efficacy rate ng Bharat Biotech COVID-19 vaccine na pinangalanang Covaxin ay mula 92 hanggang 95 percent.

Samantala, sinabi ni Bagatsing na nasa 30 million doses ng Novavax’s COVID-19 vaccine na mula sa Serum Institute of India ay ide-deliver naman sa buwan ng Setyembre.

Ang bakuna ay inorder naman ng Philippine government.

Good news naman dahil puwede pa rin daw umorder ang Pilipinas ng bakuna kung kailangan.