-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng walong insidente ng pagkalunod sa iba’t-ibang lugar sa bansa nitong Semana Santa.

Batay sa data ng PNP-Public Information Office (PNP PIO), dalawa ang napaulat na drowning incident sa Cagayan Valley.

Lumalabas na ang mga biktima rito ay kapwa minor de edad.

Maliban dito, may tig-iisang kaso rin ng pagkalunod sa Regions 3 (Central Luzon), Region 4A (Southern Tagalog), Region 5 (Bicol), Region 8 (Eastern Visayas), Region 11 (Davao) at Region 13 (Caraga).

May naitala namang muntik malunod sa Ilocos Region, ngunit naisalba ng mga otoridad.

Samantala, naka-monitor din ang PNP ng dalawang sugatan dahil sa vehicular accident sa Bicol at eastern Visayas.

Katuwang ng pulisya sa pagbabantay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, mga lokal na pamahalaan at volunteer groups.