Kinansela ngayon ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang walong domestic flights na dahil pa rin sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Bulusan.
Kung maalala, dakong alas-3:37 kaninang madaling araw nang magkaroon ng phreatic eruption ang Bulusan Volcano na tumagal ng 18 minuto.
Kabilang sa mga apektadong flights ang Cebu Pacific (5J) 325/326, Manila-Legazpi-Manila; CebGo (DG) 6111/6112, Manila-Naga-Manila at PAL Express (2P) 2923/2924 and 2P 2919/2920, Manila-Legazpi-Manila.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naturang aktibidad ay dahil pa rin sa shallow hydrothermal activity.
Pero ayon sa Phivolcs, hindi raw visible ang eruption plume sa kanilang camera monitors.
Una nang nagpaalala ang Phivolcs sa publiko dahil sa dumadaming seismic activity o bilang ng volcanic quakes na naoobserbahan sa bulkan.
Indikasyon itong posibleng mayroong phreatic eruption na mangyayari.
Sa nakalipas na 24 oras, nasa 136 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulusan volcano na siyang naging dahilan ng movements o eruptions ng magma.
Naobserbahan din ang plumes na may taas na 150 meters sa loob ng 24 oras.