Reading Time: 1 minute

Nailigtas ang walong babae na apat dito ay mga minor de edad sa isinagawang magkakahiwalay na anti-human trafficking operations sa Pasig at Pateros.

Unang nilusob ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) ang isang motel sa Pasig at naaresto ang apat na babae na dalawa dito ay minor.

Sinunod na nilusob nila ang isang motel sa Barangay Santo Rosario sa Pateros at naaresto din doon ang apat na babae na kinabibilangan ng dalawnag minor de edad.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Samuel Mina, Luzon field unit chief ng PNP WCPC, na pawang mga estudyante ang mga nailigtas na minor de edad.

Dagdag pa nito na gumagamit sila ng social media para sa transaction.