CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang bata nang kagatin ng King Cobra sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Renante Via Jr, 8 anyos at residente sa Sitio Boay-Boay Barangay Basak Magpet North Cotabato.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima na sakay umano ang bata sa kanyang alagang kalabaw mula sa sakahan ng kanyang ama at pauwi na sana sa kanilang tahanan.

Ngunit pagsapit nito sa madamong bahagi ng Sitio Boay-boay ay bumaba ang biktima sa kalabaw dahil nahulog ang kanyang tsinelas at doon na ito kinagat ng ahas sa kanyang balikat.

Nakasigaw pa ng tulong ang bata na kinagat umano sya ng ahas kaya natulungan pa ng ama.

Hindi na din umabot ng buhay sa pagamutan si Renante dahil kumalat na sa kanyang katawan ang kamandag ng ahas.

Kinumpirma naman ng mga kamag-anak at kapitbahay ng biktima na king cobra umano ang kumagat sa biktima na may habang walong talampakan.

Matatandaan na may namatay na rin sa bayan ng Makilala Cotabato nang kagatin ng king cobra o banakon.