LA UNION – Dead on arrival sa Tagudin District Hospital sa lalawigan ng Ilocos Sur ang isang bata matapos mabangga ng kotse ang sinasakyan tricycle sa kahabaan ng Brgy. General Prim West Bangar, La Union.

Nakilala ang namatay na biktima na si Kiefer Carl Defonturom, 8 anyos, at residente ng Barangay Luzong Norte sa nabanggit na bayan.

Una rito, patungo ng hilagang direction ang kotse na minamaneho ni Jay-m Masenas, ng Indang Cavite kung saan umagaw umano ito ng linya na dahilan upang mabangga nito ang tricycle na sinasakyan ng namatay na biktima.

Kabilang sa din sa sugatan ang driver ng tricycle na si Mariano Morta Jr, 43, may asawa, at mga pasahero na sina Aurelia Morta, 85, may asawa, at Victorina Defonturom.

Sa ngayon ay nakapiit sa Bangar Police Station ang respondent driver upang harapin ang asuntong isasampa laban sa kanya.