DAVAO CITY – Patuloy ngayon ang ginagawang monitoring ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) 11 sa sitwasyon ng mga bilanggo sa City Jail matapos na aabot na ngayon sa anim napu’t walo na mga Person Deprived of Liberty (PDL) ang nagpositibo sa Covid-19 habang walo naman na mga BJMP personnel ang nahawa ng virus.

Ayon pa kay Jail/ Senior Inspector Daniel David, regional doctor sa Davao City Jail, na nasa isolation facility na ngayon ng BJMP ang mga nagpositibo ng mga bilanggo at mga personahe ng BJMP.

Patuloy naman ngayon sa kanilang ginagawang imbestigasyon ang BJMP kung papano nakapasok ang virus lalo na at noong buwan pa ng Marso isinailalim ang sa lockdown.

Karamihan umano sa mga nahawa ang parehong asymptomatic.