BAGUIO CITY – Nakatanggap ng P1 million halaga na mga benepisyo mula sa pamahalaan ang 70 na dating kasapi ng New People’s Army (NPA) at militia ng bayan sa Ifugao.

Tinanggap ng mga benipisaryo ang insentibo sa isinagawang mass awarding ng assistance mula sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at provincial grants.

-- Advertisement --

Tatlo sa mga ito ang nakatanggap ng tig-P65,000 bilang immediate cash at livelihood assistance habang ang mga dating kasapi ng Militia ng Bayan ay nakatanggap ng tig-P15,000.

Naibigay din ang P45,000 hanggang P100,000 para sa mga isinukong armas sa ilalim ng firearm remuneration.