Magpet NPA 1
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Pitong mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tumanggap ng financial assistance mula sa local government unit (LGU) sa Magpet, Cotabato.

Ang pitong mga dating rebelde ay mula sa Guerilla Front Committee 53, SRC3, SMRC na sumuko sa 901st Brigade Philippine Army, 19th Infantry Battalion at 72 Infantry Battalion.

Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng tig-P20,000 na iniabot mismo ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga.

Matatandaan na isinuko ng mga NPA ang matataas na uri ng armas, mga bala, magazine at anti-personnel mines.

Sinasabing nais na nilang magbago at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mahal na pamilya.

-- Advertisement --

Ang pagtulong sa mga NPA ay bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.