BUTUAN CITY – Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)-Surigao del Norte ang service pump boat ng Department of Public Woeks and Highways (DPWH) bago pa man tuluyang lumubog.

Daling nagpaabot ng distress call sa PCG-Surigao City Station ang crew ng pump boat kung kaya kasama sa nailigtas ang pitong kataong sakay nito.

Nabatid na nabutas at napasukan ng tubig-dagat ang pump boat habang nasa laot.

Inaalam pa ng PCG-Surigao at ng crew ng bangka ang dahilan sa pagkabutas nito.