CAGAYAN DE ORO CITY – Agad ipinasuspinde ni National Electric Adminstration (NEA) Administrator Edgardo Masongsong ang pito na kinabilangan ng limang aktibo, dating miyembro at katatapos lamang magbitiw katungkulan ng board of directors ng Misamis Oriental Rural Electric Service Cooperative (Moresco 2) na nakabase sa bayan ng Medina, Misamis Oriental.
Ito ay matapos natuklasan nang isinagawang motu propio investigation na pumasok ng isang P327 million bank loan agreement ang nabanggit na electric cooperative officials na wala umanong pahintulot sa pamunuan ng NEA taong 2018.
Inihayag sa kautusan na inilabas ni Masongsong na kailangang patawan ng tatlong buwan na suspensyon sina Moresco-2 directors Ernesto Ohiman ng Lagonglong District, Romeo Acenas ng Talisayan District, Eduardo Bacasnot ng West District Gingoog City, Engr. Amado Ke-e ng Medina District, Mark Valdevilla ng East District Gingoog City,Engr. Danielo Jamolin ng Magsaysay District kabilang si former member Lydia Enterina ng Talisayan District habang lalalim ang ginawa na imbestigasyon ukol sa pinasok na transaksyon.
Natuklasan ng opisyal na nagsimula ang bank loan sa mga buwan ng Hunyo, Oktubre 2019 ng tig-P50 million habang nasundan ng Setyembre at dalawang beses ng Disyembre 2019 na tig-P100 million na ang ini-release ng Development Bank of the Philippines Cagayan de Oro Branch.
Ipinaliwanag ni Masongsong na kailangang maalis muna ang mga ito sa katungkualan dahil nangaganib ang operasyon ng kooperatiba at magambala ang mga testigo ng umano’y maanomaliya na transaction.
Inatasan naman ng opisyal si project supervisor Edmundo Pacamalan Jr o kaya’y human resources manager ng Moresco II na agad ipatupad ang 90 araw na suspension laban sa mga nabanggit na mga opisyal ng kooperatiba.
Bagamat may ilan ng mga tinukoy na board members umamin na totoong mayroong ipinataw sa kanila na suspension order mula NEA hinggil sa puno na pagduda na transaction.