Natupok ng apoy ang pitong kabahayan sa Taguig St., Brgy. Valenzuela sa lungsod ng Makati.

Sinabi ni Makati City fire marshal Roy Quisto, nagsimula ang apoy pasado 9 p.m. at umabot pa ito ng ikalawang alarma.

Bahagyan nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa kakulangan ng tubig.

Mahigit apat na oras bago tuluyang maapula ang apoy at tinatayang aabot sa mahigit P100,000 ang pinsala nito.