CENTRAL MINDANAO-Tinawag na mga ‘bagong mandirigmang may tikas at dignidad’ ni Major General Juvymax R. Uy, ang Commander ng 6th Infantry (KAMPILAN) Division at Joint Task Force Central, ang mga bagitong sundalo sa isinagawang send-off ceremony sa 6ID gymnasium.
Ang 199 na mga bagong private ay kinabibilangan ng 188 na lalaki at 11 na babae. Pormal ng ipinadala sa kanilang mga units ang mga nasabing sundalo upang maging dagdag pwersa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa ilalim ng 6th ID.
“To ‘MATINDIG’ Class, ang araw ng inyong pagtatapos ay magsisilbing hudyat na kayong lahat ay isa ng ganap na Kampilan soldier and a Kampilan Warrior.
“Today marks the start of your military career in the field, so you better start right” ang bahagi ng pahayag ni Maj. Gen. Uy sa harap ng mga bagong sundalo.
Nabatid na sumailalim sa apat na buwang matinding training ang mga grumadwet na mga sundalo na dumaan sa masusing pagsisiyasat ang kanilang dokumento at pisikal na kakayahan bago sumabak sa training, ayon kay Assistant Chief of Staff for Personnel, G1, LTC Clairemont Pinpin.
“Again, to ‘MATINDIG’ Class – ‘Mga Mandirigmang may tikas at Dignidad’, you stand up tall with utmost dignity as soldiers of the Filipino People and warriors of our land”, dagdag na wika ni MGen Uy.