-- Advertisements --
Ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) na umiiral pa rin ang price freeze sa Davao Oriental matapos ang pagtama ng magnitude 7.6 na lindol.
Ayon sa DTI na tatagal ang price freeze mula Oktubre 13 hanggang Disyembre 12.
Ang nasabing price freeze ay ipinatupad matapos na ideklarang state of calamity ang Davao Oriental.
Layon nito ay para matiyak na ang mga presyo ng pangunahing bilihin ay nananatiling stable at accesible sa mga mamimili.
















