-- Advertisements --
Patay ang tatlong mag-aaral at tatlong guro ang nasawi sa pamamaril sa loob ng paaralan sa Tennessee.
Ayon sa kapulisan na isang babaeng armado ang bigla na lamang pumasok at walang habas na namaril sa loob ng Covenant School sa Nashville, Tennessee.
Nabaril ng mga rumespondeng kapulisan kung saan armado ang suspek ng isang handguun at assault-type rifles.
Nasawi ang 28-anyos na suspek na hindi pa inilabas ng mga otoridad ng pagkakakilanlan nito.
Sinabi ni Don Aaron ang tagapagsalita ng Metro Nashville Police Department at pinuntahan nila ang suspek sa ikalawang palapag ng paaralan.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.